Model, binanatan sa isang nightclub dahil umano sa pagiging maganda

(Image from ChronicleLive)

Sunderland England – Sinugod at sinipa sa ulo ang 16-anyos na model ng isang hindi kinilalang babae habang nasa isang nightclub, Sabado ng gabi.

Natagpuang duguan at sugatan si Jacee Pink, na sinasabing pinagsisipa matapos itong bumagsak at mapahiga sa sahig ng Passion Nightclub sa Sunderland.

Kwento ni Amy Pink, ina ng biktima, nagpaalam ang anak na kakain sa labas kasama ang kanyang mga kaibigan ngunit sa isang nightclub daw nagtungo ang dalaga.


Ayon raw sa salaysay ng anak, habang nasa bar raw siya ay isang babae ang agad na lumapit sa kanya at bigla siyang itinulak saka tinadyakan sa ulo.

“She’s been kicked in the head a few times and has been very dizzy. She’s frightened and she is only still a child,” aniya.

Natanggal rin ang ilang kuko ni Jacee matapos ang pangyayari.

(Image from ChronicleLive) 

Kinakailangan din umanong i-scan ang dalaga matapos ang ilang tadyak sa ulo na natamo nito.

“She was crying afterwards and asked “why have I been targeted?”. She is a pretty girl and feels targeted because of that,” giit ni Amy.

Para sa ina ng dalaga, inggit ang pinag-ugatan ng pangyayari.

“Nobody knows what has happened but I think it is has been instigated through jealousy, it is completely unprovoked and it has to all be down to jealousy,” sabi nito.

Depensa naman ng naturang babae sa facebook, hindi niya akalaing 16-anyos ang babaeng sinugod niya, na dapat raw ay nasa bahay lang at natutulog na sa dis oras ng gabi.

Sa kanyang pahayag, sinabi nitong nauwi sa away ang pangyayari kung saan hinila pa raw ni Jacee ang kanyang buhok kaya siya natumba.

Inamin rin nitong nakagat niya sa dibdib ang dalaga.

Ayon kay Amy, kilala si Jacee sa youtube dahil na rin sa angking galing sa pagkanta at pagmo-model.

Katunayan raw ay mayroong music video ang dalaga para sa charity song Paint the Night Pink bilang suporta sa Breast Cancer UK na umabot raw sa 20,000 ang views noong July 2017.

Sumali na rin daw ang anak sa ilang talent shows.

Samantala, nakatanggap naman ng batikos si Amy sa social media dahil sa pagpunta ng anak sa nightclub sa murang edad.

Ngunit depensa nito, “I’d done it myself when I was her age, I’d tell my dad I was going to Pizza Hut then I’d be in the pubs and clubs. “But normally she is good and responsible and I had no issue with what she’s done, just what happened to her.”

“She doesn’t deserve this and I hope the police charge someone for what has happened,” dagdag pa niya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Northumbria Police sa pangyayari.

Facebook Comments