Model, nabulag matapos magpa-tattoo ng itim sa eyeballs

Aleksandra Sadowska. PHOTO: IG/@anoxi_cime

Isang modelo ang tuluyan nang nawalan ng paningin sa kanang mata, habang nanganganib naman ang kabila pa, matapos patatuhan ng itim ang kanyang eyeballs.

Noong 2016 pinatintahan ni Aleksandra Sadowska mula Wroclaw, Poland, ang kanyang mga mata upang parisan ang iniidolo niyang rapper na si Popek, ayon sa ulat ng Daily Mail.


Kasunod nito, nakaramdam ang 25-anyos ng pagkirot sa mata na ayon sa kanyang tattoo artist, kilala bilang Piotr, ay normal lamang at makukuha sa pag-inom ng painkiller.

Sa kabila ng mungkahi ng tattoo artist, hindi nawala ang sakit hanggang sa tuluyan nang nabulag ang kanan niyang mata.

Batay pa sa ulat, unti-unti na ring lumalabo ang paningin sa kaliwa niyang mata.

Lumabas sa imbestigasyon sa insidente na nagkamali si Piotr sa ginamit na ink sa eyeballs ni Sadowska; para umano sa balat ang nai-tattoo rito.

“There is clear evidence that the tattoo artist did not know how to perform such a delicate procedure. And yet he decided to perform it which led to this tragedy,” pahayag ng abogado ng model.

Nahaharap sa tatlong taong pagkakakulong ang tattoo artist dahil sa kinahinatnan ni Sadowska.

Itinanggi naman ni Piotr ang lahat ng reklamo at nakatakda siyang humarap sa korte sa sandaling panahon.

Facebook Comments