Modelong SK Official, Tinalakay sa Isang Seminar!

17

Cauayan City, Isabela- “Maayos, Tapat at Malinis na Pagsisilbi” ito ang sentro ng isinasagawang Seminar para sa mga bagong halal na opisyal ng kabataan dito sa lalawigan ng Isabela na nagsimula ngayong araw sa Isabela Hotel, Cauayan City na pinapangunahan ng DILG, Isabela State University at National Youth Commission.

Ayon kay ginoong Narshal Foronda, Team Leader ng nasabing pagsasanay, ang naturang programa ay bilang pagtalima sa kautusan ng DILG na kailangang dumaan muna sa naturang training seminar ang lahat ng mga bagong halal na SK Officials bago maupo at magsilbi sa kanilang lugar.

Layunin din ng nasabing pagsasanay na ituro sa mga ito ang kahalagahan ng kanilang mga tungkulin, tamang paggamit sa kanilang pondo at kung ano ang tamang panunungkulan ng isang opisyal lalo na sa mga kabataan na kanilang pagsisilbihan sa kanilang mga barangay.

Nagbabala din ang DILG sa mga opisyal ng kabataan na ang hindi sasailalim sa Mandatory Seminar ay hindi maaaring maupo sa kanyang pwesto at maaaring matanggal sa posisyon at maaaring masampahan ng kaukulang kaso kung susuway ang mga ito sa mga kautusan ng DILG.

Ang naturang Seminar ay magtatapos sa ika-dalawamput tatlo ngayong ng buwan taong kasalukuyan.

Facebook Comments