Moderate risk classification sa COVID-19, ideneklara na ng DOH sa buong bansa

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nasa moderate risk classification na sa COVID-19 ang buong bansa.

Mula ito sa high risk classification sa unang linggo ng Enero ng taong ito.

Ito ay matapos maitala ang negative one-week at two-week growth rate ng infection.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang health system capacity sa buong bansa tulad ng total beds at Intensive Care Unit (ICU) ay kapwa nasa low risk na rin.

Sinabi pa ni Vergeire na bagama’t ang average daily attack rate ay nasa high risk pa rin , bumaba na aniya sa 19.43 ang naitatalang kaso sa bawat 100,000 individuals.

Sa kabila nito, inihayag ni Vergeire na hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko at sa halip ay ipagpatuloy ang pagsunod sa public health standards at magpabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments