Naranasan na sa ilang bayan sa Pangasinan ang moderate to heavy traffic bisperas ng long weekend.
Ayon sa abiso ng PDRRMO alas sais ng gabi ng October 29, kabilang sa mga bayan na mabigat na daloy ng mga sasakyan ay sa mga bayan ng Binmaley, Dagupan City, Calasiao at Sta.Barbara na pawang mga pangunahing daan patungo sa Western, Eastern at Central Pangasinan.
Moderate to heavy naman sa mga bayan ng Mangaldan, Villasis, Carmen, Alaminos City at Lingaten habang moderate naman sa Bayambang, San Fabian, San Carlos City, Labrador at Pozorrubio. Light to light to moderate naman sa iba pang natitirang bayan.
Matatandaan sa naunang panayam ng IFM News Dagupan sa mga bus terminal masters na posibleng magsimulang bumaha ng pasahero sa mga terminal sa Oktubre 30 dahil sa long weekend at undas.
Kaugnay nito, abiso ng awtoridad na tiyaking fit-to-travel ang mga biyahero at mga sasakyan mula sa mga dapat dalhin na kagamitan at dapat tignan para maiwasang masiraan sa gitna ng biyahe. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









