Moderate to strong El Niño, posibleng maranasan sa bansa

Nakikita ng PAGASA na posibleng maging moderate to strong o hanggang 86% ang lagay ng El Niño phenomenon sa pagtatapos ng taong ito.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Analiza Solis, Assistant Weather Services Chief ng PAGASA na pagsapit naman ng Disyembre, Enero hanggang Pebrero ng susunod na taon, higit sa 50% ang posibilidad ng El Niño.

Ikinumpara ni Solis ang temperatura ng El Niño sa karamdaman ng isang tao na kapag weak ay maituturing na sinat, kapag moderate ay lagnat, at kapag strong ay kumbulsyon na.


Kinumpirma naman ni Solis na mayroon nang apat na lalawigan ang nakararanas na ngayon ng dry spell o tagtuyot o drought, kabilang na rito ang Cordillera Administrative Region o CAR at Isabela Region.

Sa pagtaya pa ng PAGASA, sinabi ni Solis na aabot sa 35 mga lalawigan ang maaaring makaranas ng dry spell sa pagtatapos ng Disyembre ngayong taon, habang dalawa naman ang makararanas ng meteorological drought o sobrang tagtuyot kaya may pagkakabitak-bitak sa lupa dahil sa mataas na antas ng kakulangan sa tubig.

Pero, ayon kay Solis na mapapalitan pa rin ang sitwasyong ito habang umuusad ang mga araw.

Facebook Comments