Modern jeepney, maaari nang bumiyahe sa 15 ruta simula June 22

Maaari nang pumasada simula ngayong araw ang ilang Public Utility Jeepneys (PUJs) sa labing-limang (15) ruta bilang bahagi ng unti-unting pagbabalik ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila at kalapit na probinsya.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Martin Delgra III, nasa 308 modern jeepneys ang compliant o sumusunod sa Omnibus Franchising Guidelines (OFG).

Papayagan lamang aniya silang bumiyahe sa 50% kapasidad, maliban sa driver at konduktor, para matiyak ang physical distancing.


Ire-require pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga driver, konduktor at sa mga pasahero.

Ang mga inaprubahang ruta ay mga sumusunod:

  1. Novaliches – Malinta via Paso de Blas
  2. Bagumbayan Taguig – Pasig via San Joaquin
  3. Fort Bonifacio Gate 3 – Guadalupe-Market Market-ABC Loop Service
  4. Pandacan – Leon Guinto
  5. Quezon Avenue – LRT 5th Avenue Station
  6. Cubao (Diamond) – Roces Super Palengke
  7. EDSA Buendia-Mandaluyong City Hall via Jupiter, Rockwell
  8. Divisoria-Gasak via H. Lopez
  9. Punta-Quiapo via Sta. Ana
  10. Boni Pinatubo – Stop and Shop, vice versa
  11. Boni Robinson’s Complex-Kalentong/JRC vice versa
  12. Nichols-Vito Cruz
  13. Filinvest City Loop
  14. Alabang Town Center (ATC)-Ayala Alabang Village
  15. Vito Cruz Taft Avenue-PITX Loop Service

Ang mga sumusunod na ruta ay papayagang bumiyahe sa Miyerkules, June 24:

  1. Bagong Silang – SM Fairview
  2. Malanday – Divisoria via M.H. del Pilar
  3. Parang, Marikina – Cubao
  4. Eastwood, Libis – Capitol Commons
  5. Gasak – Recto via Dagat-dagatan
  6. PITX – Lawton
  7. Alabang – Zapote
  8. PITX – Nichols
  9. PITX – SM Southmall

Ang mga sumusunod na ruta ay papayagang bumiyahe sa Biyernes, June 26:

  1. Quirino Highway – UP Town Center
  2. SM Fairview – Commonwealth via Regalado Ave.
  3. QMC Loop
  4. Tikling – Binangonan
  5. Antipolo – Pasig via East Bank Road
  6. Rosario – Pinagbuhatan Pasig
  7. West Avenue – P. Noval via Del Monte
  8. Biñan – Balibago via Manila South Road
  9. Tramo – Sucat
  10. San Isidro – Congressional Junction Dasmarinas

Ang lahat ng PUJs ay kailangang nakarehistro na may valid personal passenger insurance policies at mayroong nakakabit na Global Navigation Satellite System (GNSS).

Kailangan ding gumamit ang mga ito ng cashless fare payments, at tiyaking magagamit ng mga commuter ang kanilang mobile application o contactless smart cards para sa pagbabayad ng pamasahe.

Mahigpit dapat na ipatupad ang “one seat apart” sa mga pasahero.

Facebook Comments