Moderna at AstraZeneca, hindi na tatanggap ng unang order ng COVID-19 vaccines

Hindi na tatanggap ang Moderna at AstraZeneca ng unang order ng mga bakuna para sa unang wave ng pamamahagi nito sa mga indibidwal.

Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., tanging ang mga order lamang para sa ikalawang wave ng pagbabakuna ang tatanggapin ng Moderna at AstraZeneca.

Ibig-sabihin, ibang produkto na ang mabibili ng Pilipinas na maaaring booster o bagong produkto para sa second generation vaccine.


Hinihintay naman ng gobyerno ang presentasyon ng dalawang brands ng bakuna bago bumili pa ng bagong bugso nito.

Sa ngayon, nasa 17.8 milyong indibidwal na ang nakakumpleto ng bakuna sa bansa o yung mga fully vaccinated.

Facebook Comments