Inaasahang maghahain ng application para sa emergency use application (EUA) ang American drugmaker na Moderna ngayong linggo.
Noong nakaraang buwan, ipinagkaloob ng Food and Drug Administration (FDA) ang EUA sa Sputnik V vaccine ng Gamaleya Research Institute sa Russia.
Ang Gamaleya ang ika-apat na drug manufacturer na binigyan ng EUA para sa kanilang COVID-19 vaccine pagkatapos ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, at Sinovac.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kinukumpleto na lamang ng Moderna ang kanilang mga dokumento.
Ang mga mayroon pang nakabinbing aplikasyon ay ang Bharat Biotech at Janssen Pharmaceuticals.
Hindi inaalis ng FDA ang posibilidad na ang Department of Health (DOH) ang mag-apply para sa EUA ng Sinopharm.
Facebook Comments