Moderna, may EUA na rin para maiturok sa edad 12 hanggang 17

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang application for amendments sa Emergency Use Authorization (EUA) ng Moderna COVID-19 vaccine para magamit sa mga 12 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo, dalawang linggo na ang nakakalipas nang mag-apply ang Moderna na amyendahan ang kanilang EUA at matapos ang masusing evaluation ng Vaccine Expert Panel ay inaprubahan ito.

Aniya, kailangan lamang bantayan ang madalang na side effect nito na myocarditis sa mga kabataan.


Una nang inaprubahan ng FDA ang EUA ng COVID-19 vaccine ng Pfizer para sa mga edad 12 hanggang 15.

Facebook Comments