Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na nabigyan na nila ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Moderna COVID-19 vaccine.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, matapos ang mahigpit at masusing review ng regulatory at medical experts ng bansa, nagdesisyon ang FDA na bigyan na ng EUA ang Zuellig Pharma Corp. para sa COVID-19 vaccine na Moderna.
Ang paunang shipment ng 200,000 doses ng Moderna vaccine ay dadating sa bansa sa June 15.
Una nang nabigyan ng otorisasyon ng FDA ang COVID vaccines ng Pfizer, AstraZeneca, CoronaVac, Sputnik V, Janssen ,Bharat Biotech at Covaxin.
Facebook Comments