Moderna, nag-apply na rin para sa Emergency Use Authorization ng kanilang COVID-19 vaccine

Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na nag-apply na ang American pharmaceutical company na Moderna para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, natapos na ng Moderna ang kanilang mga dokumento kaya nakapaghain na ito ng EUA.

Nanindigan naman si Domingo na tatapusin nila ang evaluation sa aplikasyon ng Moderna sa unang bahagi ng Mayo.


Ang paunang shipment ng 200,000 doses ng Moderna ay nakatakdang dumating sa bansa sa June 15.

Una rito, lumagda ang Pilipinas ng tripartite agreement sa Moderna para sa 20 million doses.

Sa ilalim ng kasunduan, ang 13 million ay ilalaan sa pamahalaan habang ang 7-million ay mapupunta sa pribadong sector.

Una na ring nabigyan ng EUA ng FDA ang Pfizer, AstraZeneca, Sputnik V, Sinovac, Bharat Biotech Covaxin, at Janssen.

Facebook Comments