Moderna, nagpasa na ng aplikasyon sa FDA para para magamit sa mga edad 12 pababa

Nagsumite na ng aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA) ang Moderna para magamit sa mga edad 12 pababa.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, naganap ang pagpapasa nitong August 19 kung saan sinusuri na ng mga eksperto ang aplikasyon nito.

Inaasahang ngayon linggo ay makukumpleto na ang ebalwasyon sa bakuna.


Samantala, hindi naman pinayagan ng FDA ang aplikasyon ng Chinese Pharmaceutical Company na Sinovac para magamit ang bakuna nito sa mga kabataan dahil sa kakulangan ng mga clinical trial.

Pinayuhan ni Domingo ang Sinovac na magsagawa pa ng maraming clinical trial at magpasa ng report kung naisagawa na ito.

Sa ngayon, tanging ang mga edad 18 pataas pa lamang ang pinapayagang mabakunahan sa Pilipinas.

Facebook Comments