Moderna vaccines, nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw

57

Nakaantabay na ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagdating ng Moderna vaccines mamayang tanghali sa Ninoy Aquino Terminal Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa abiso ng MIAA, 1:05 pm lalapag ang Singapore Airlines flight SQ910 sa NAIA terminal 3 lulan ang 250,800 doses na Moderna vaccines.


Ang 194,400 doses ng bakuna ay binili ng national government habang ang bahagi na 56,400 nito ay binili naman ng pribadong sector.

Samantala nakatakda rin dumating sa July 17 ang 1.5 million doses ng Sinovac Vaccines na binili naman ng gobyerno sa China.

Inaasahan ang pagdating nito sa Sabado alas-7:35 ng umaga lulan ng Cebu Pacific flight 5J-671 na lalapag sa NAIA Terminal 3.

Facebook Comments