Nanawagan si Senator JV Ejercito sa pamahalaan na madaliin ang modernisasyon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Kasunod na rin ito ng pagbangga ng barko ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard at pambobombba ng water cannon sa civilian vessel na ginamit ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.
Apela ni Ejercito sa gobyerno na bilisan na ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapalakas ang defense posture, maprotektahan ang maritime interests at tiyakin ang kaligtasan ng mga kababayan.
Aniya pa, ang Pilipinas ay patuloy na itinataguyod ang mapayapang resolusyon sa mga pagtatalo sa pamamagitan ng pagtalima sa international law partikular na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na siya namang palaging inililihis ng China.
Pinuri din ng senador ang PCG sa kanilang professionalism at katapangan sa pagharap sa panganib.