Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Transportation (DOTr) ang modernisasyon ng mga pangunahing pasilidad at mga malalaking istruktura sa bansa.
Partikular na ang mga paliparan, railways, seaports, kalsada, transportation hubs at iba pang magpapabilis sa pagkilos ng mga serbisyo at biyahe.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang modernisasyon ang tiket ng Pilipinas para sa mas magandang kinabukasan kaya dapat na maisakatuparan kaagad ang mga ito.
Sa kabila nito, mahigpit ang utos ng pangulo sa DOTr na dapat tiyaking matibay ang mga itatayong imprastraktura.
Hindi na aniya uubra ang mga dating sistema na madaling masira o mawasak ang mga imprastraktura sa tuwing may mga kalamidad.
Facebook Comments