Modernisasyon sa Philippine Coast Guard, itinutulak ng DOTr

Nangako si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na kanilang ipagpapatuloy ang komprehensibong modernisasyon sa mga kagamitan at tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa isinagawang New Years’ Call ng Coast Guard, sinabi ni Bautista na ang modernisasyon sa hanay at mga kagamitan ng Coast Guard ay katumbas ng mas maayos, epektibo at episyenteng serbisyo.

Dagdag pa ng kalihim, hangad niyang magkaroon ang Pilipinas ng isang world class na mga tauhan ng Coast Guard kapantay ang iba pang bansa.


Ipinagmalaki pa ni Bautista na buhat sa dating 7,000 Coast Guard personnel ay tumaas pa ito sa 26,000 ngayon.

Pinapurihan din ni Bautista ang maagap at mabilis ma pagtugon ng Coast Guard tuwing panahon ng kalamidad o sa mga pagkakataong kailangan ang serbisyo nito.

Sa huli, pinaalalahanan ni Bautista ang mga tauhan ng Coast Guard na isaprayoridad pa rin ang kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments