Ipinapaprayoridad ni Sen. Alan Peter Cayetano ang modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos ang mahinang pagputok ng Bulkang Taal kamakailan.
Ayon kay Cayetano, magsilbing “wake-up call” ang nangyari na palaging maging handa ang bansa sa mga sakuna.
Tinalakay ng mambabatas sa plenaryo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maagap na paghahanda sa mga kalamidad na sanhi ng natural hazards.
Iginiit ni Cayetano na layunin ng isinusulong na PHIVOLCS Modernization Act na mabawasan ang epekto at pinsala ng kalamidad, makapaghanda, at paano mas mapapangalagaan ang ating kalikasan.
Dagdag pa ng senador, sa kasalukuyan ay 10 lamang sa 24 na aktibong bulkan sa bansa ang kayang i-monitor ng PHIVOLCS, at tanging ang Taal at Mayon ang may kumpletong monitoring system.