Modernisasyon sa transportation system ng bansa, pinamamadali ng Senado

Pinamamadali ni Senator JV Ejercito ang modernisasyon sa transportation system ng bansa.

 

Pinuna ng senador na higit tatlong dekada nang nagpag-iiwanan ang ating transportation system ng mga kalapit bansa sa Timog-Silangang Asya.

 

Sinabi ni Ejercito na malayo pa sa ‘ideal’ na transportation modernization at infrastructure development sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.


 

Ilan lamang sa dahilan ay sa halip na 5 percent ng Gross Domestic Product (GDP) ang ipuhunan sa transportation modernization at infrastructure development, 2 percent lamang ang nai-invest dito.

 

Dagdag pa ng senador, ang pagpapahusay sa ating transportation systems, lalo na sa railways, ang makatutulong sa pagpapasigla at pagbangon ng ating ekonomiya.

Facebook Comments