Manila, Philipines – Susunod ang Department of National Defense (DND) sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang pagbili ng mga utility helicopter sa Canada.
Ayonn kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kung ito na ang desisyon ng Pangulo kanilang itong gagawin.
Hahanap na lang aniya sila ng ibang supplier sa Russia, China, Korea, Turkey, at India para mapagbilhan ng utility helicopter.
Sa ngayon aniya ay gumagawa na sila ng formal letter para ipaalam sa Canada na ikakansela na ang kontrata sa pagbili ng helicopter at ito pipirmahan niya ngayong linggo.
Ayon naman ni AFP Chief of Staff General Ret Leonardo Guerrero na importante ang mga utility helicopter sa pagbiyahe sa mga sugatan at nasawing sundalo sa panahon ng kalamidad kaya mahalagang matuloy ang pagbili ng mga ito.
Nitong nakalipas na Linggo, iniutos ng Canada na repasuhin ang 233 million dollar helicopter deal sa Pilipinas dahil sa pangambang magamit ang mga ito sa pag atake sa mga terorista dito sa bansa.
MODERNIZATION | AFP, naghahanap na ibang supplier para sa mga bibilhing utility helicopters
Facebook Comments