MODERNIZATION | Bilang ng mga manggagawa sa farm sector, patuloy na bumababa

Manila, Philippines – Dumarami ang mga manggagawa mula sa farm sector ang umaalis. Base sa datos ng Philippines Statistics Authority (PSA), bumagsak ang total employment share ng farm sector sa 25.43% nitong 2017 mula sa 46.03% noong 1993. Lumabas din sa datos, bumagsak ng 11 milyon ang employment sa agriculture sector. Pero hindi ito ikinabahala ni Agriculture Secretary Manny Piñol at sinabing palatandaan lang ito na ang sumasailalim sa modernization ang agriculture sector ng Pilipinas. Sa kabila nito, nananatiling matatag naman ang total employment share sa services sector sa 56.28% nitong 2017 mula sa 46.02% noong 2001. Umuunlad din ang industry sector, mula sa dating 4.7 million na bilang ng mga manggagawa noong 2011 ay tumaas ito sa 7.3 million nitong 2017.

Facebook Comments