MODERNIZATION PROGRAM | 2 submarines na bibilhin ng PH Navy, posibleng sa Russia kukunin – DND

Manila, Philippines – Posibleng sa bansang Russia kukunin ng Philippine Navy ang dalawang submarines na planong bilhin ng pamahalaan bilang bahagi ng AFP Modernization Program.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng pahayag na kinokonsidera rin ng Pilipinas ang Korea at mga European countries tulad ng France para mag-supply ng submarines sa Pilipinas.

Pero depende aniya ito sa mga bansang ito kung willing silang magbenta sa Pilipinas.


Ang Russia aniya ay nagpahayag na ng kahandaan na ibenta sa Pilipinas ang kanilang kilo-class submarines.

Ang maganda aniya rito ay nag-alok pa ang Russia na ibebenta ito sa Pilipinas sa pamamagitan ng soft-loan.

Sinabi ng kalihim na nag-uusap na ang Russia at Pilipinas at maaring maisapinal ang deal sa loob ng 12 buwan.

Kung sakaling matuloy ito, kakailanganin ng Russia ng 4 na taon para mai-deliver ang kauna-unahang submarine ng Philippine Navy.

Facebook Comments