Manila, Philippines – Nahaharap sa kasong graft si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra at Board Member Ronaldo Corpus.
Ito ay matapos maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang Alliance of Concern Transport Organization (ACTO) dahil may pinapanigan ang mga opisyal sa pagbibigay ng prangkisa sa Public Utility Vehicles (PUV).
Ayon kay ACTO National President Efren De Luna, hindi binuksan sa lahat ng grupo ang aplikasyon para makadaan sa mga bagong rutang bahagi ng PUV modernization program.
Pinuna rin ng ACTO ang special treatment na ibinibigay sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) na may sariling lane sa ahensya.
Itinanggi naman ni Delgra ang paratang at iginiit na dumadaan ang lahat sa tamang proseso at pinasusumite ng kaukulang dokumento.