Modernization program ng Philippine Army mas naging mabilis sa panahon ng Administrasyong Duterte

Manila, Philippines – Naging mabilis ang modernization program ng Philippine Army sa unang dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Philippine Army Spokesperson Lieutenant Colonel Louie Villanueva, kasabay ng gagawing ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte mamayang hapon.

Ayon kay Villanueva hindi lang sa Philippine Army naging mabilis ang modernization program dahil maging sa buong Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nangyayari ito.


Sa katunayan aniya ramdam na ramdam ng hanay ng Philippine Air Force at Philippine Navy ang modernization program dahil malalaking halaga ng equipment ang nabili para sa kanila.

Habang sa Army aniya ay nakaprogram ang kanilang dagdag weapon system kung saan nakalinya na ang pagbili ng mortar, rocket propelled grenade launcher, sniper rifles.

Sa ngayon naman kinumpirma ni Villanueva na nagagamit na ng mga opisyal at tauhan ng Philippine Army ang mga biniling basic rifles.

Facebook Comments