Naniniwala si LTOP President Orlando Marquez na wala ng hadlang sa implementasyon ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay Marquez, kasado na at sinang-ayunan naman ng iba’t-ibang transport sector sa buong bansa gaya ng Transport Cooperative, Pasang Masda, PBOAP, UV Express ng Pilipinas at ALTODAP dahil malaking tulong umano ang naturang programa upang mapagaan ang kanilang kabuhayan.
Paliwanag ni Marquez, ang ‘Modernization Program’ ng gobyerno ay kinikilala at backbone ng ekonomiya ng bansa ay nakasalalay sa transportasyon.
Giit ni Marquez na ang kailangan talaga ay ang mass transport system at interconnectivity route system sa buong Pilipinas upang maibsan ang nararanasang matinding trapiko sa Metro Manila at karatig lalawigan.