Modernization Projects ng Bureau of Immigration, ipapatupad na

 

 

Magpapatupad ng modernization projects ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ngayong 2024.

 

Ito’y upang mabilis at walang sagabal ang international travel.

 

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang nasabing hakbang ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng malaking bulto ng mga turista.


 

Sinabi ni Tansingco na 25% ng manual operation ng immigration ay papalitan na ng electronic gates ngayong taon at sa taong 2026 naman ay kalahati ng operations nila ay electronic na.

 

Ibinida pa ni Tansingco na ang mga turista ngayon ay maaari ng magpalawig ng visa sa pamamagitan ng online kung saan tinatarget na rin ng bureau ang cruise tourists upang piliing pasyalan ang Pilipinas.

 

Umaasa si Tansingco na maipapasa ang  BI modernization law ngayong taon habang pinasalamatan naman niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na humihikayat sa mga lawmaker na bilisan ang pagpasa ng bagong batas na magpapaigting sa pagpapatatag ng bansa.

Facebook Comments