MODERNIZED JEEPNEY, BIGLANG LUMIYAB SA DAGUPAN CITY

Lumiyab ang isang modern jeepney sa tapat ng isang unibersidad sa bahagi ng Arellano St. Dagupan City, Pangasinan, kagabi, February 20, 2026.

Ayon sa mga saksi, naabutan na lamang umano nilang lumiliyab sa kalsada ang nasabing pampublikong sasakyan kung saan nadamay pa ang ilang kable ng kuryente kung saan ito nasunog.

Nagdulot pa ito ng bahagyang pagbagal ng daloy ng trapiko upang magbigay daan sa mga rumespondeng bumbero at volunteers.

Sa ibinahagi namang update ng alkalde, inihayag ng drayber ang usok na hinihinalang nagmula sa fuse box ng sasakyan.

Matapos maapula ang apoy, nagmistulang lata ang sasakyan.

Wala pang tiyak na datos kung mayroon mang naitalang nasugatan sa insidente. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments