
Pinaghahandaan na ng New NAIA Infra Corporation ang pag-install ng modernong drainage system sa paligid ng NAIA Complex.
Ito ay para maiwasan na ang pagbaha sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.
Ayon kay NNIC President Ramon Ang, maglalagay rin sila ng flood barriers, at stormwater pumping facility sa NAIA complex.
Sinabi ni Ang na ito ay bahagi ng kanilang long-term investment sa paliparan.
Sa ngayon, patuloy rin ang clean-up drive ng NNIC sa tatlong kilometrong river channels kabilang na ang bahagi ng Parañaque River sa Barangay Tambo, gayundin Don Galo River, at Villanueva Creek malapit sa Barangay La Huerta
Umaabot na sa 139,158 metric tons ng mga basura ang nakolekta ng NNIC sa paligid ng NAIA terminals.
Facebook Comments