Modernong Himpilan ng Pulisya sa Cagayan, Binuksan na

Cauayan City, Isabela-Pinangunahan ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ng Police Regional Office No. 2 ang inagurasyon ng bagong himpilan ng Iguig Police Station sa Lalawigan ng Cagayan.

Inihayag ni Director Casimiro ang kanyang pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Iguig sa pamumuno nI Municipal Mayor Ferdinand Trinidad dahil sa suporta na ibinigay nito sa pagbuo ng nasabing pasilidad.

Isa aniya sa prayoridad ng pamunuan ng PRO2 ang pagtatayo ng mga bagong gusali ng pulisya at kabilang ito sa isa na naman na tagumpay sa mga listahan ng mga maipapatayo pang mga modernong gusali.


Nagsimula ang konstruksyon ng gusali noong nakaraang taon, Hunyo 12 at natapos lamang nitong Marso 27 ngayong taon at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P5 milyong piso.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang iba pang matataas na opisyal ng PRO2 gaya nina Deputy Regional Director for Operations, PCOL IGNACIO R CUMIGAD, Chief Regional Staff, PCOL ARIEL N QUILANG, Provincial Director, Cagayan PPO, PRO2 Directorial Staff, PCPT JEFFREY CANAY.

Hinikayat naman nito ang mga LGUs at iba pang pribadong sector na makipagtulungan sa pulsiya sa paghahatid ng payapang komunidad.

Facebook Comments