Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Balaoan, La Union ang modernong passenger lounge na layuning makapagbigay ginhawa sa mga mananakay sa bayan.
Tampok sa pasilidad ang nursing room para sa mga nagpapasusong ina, charging outlet,automatic sliding door at fully-air conditioned na hintayan ng mga commuter.
Ipinagmamalaki naman ng tanggapan na solar-powered ang buong pasilidad upang maisulong ang pangangalaga sa kalikasan kasabay ng mabisang paggamit ng enerhiya.
Libreng magagamit ng mga commuter ang pasilidad ngunit apela sa publiko ang responsableng paggamit upang mapanatili ang kalinisan at magtagal ang mga kagamitan.
Positibo naman ang pagtanggap ng publiko sa proyekto, na itinuturing bilang kauna-unahan umanong fully-airconditioned na hintayan ng pasahero sa La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









