Modernong pedicab para sa ‘new normal,’ ipamamahagi ng Manila City government sa mga drayber

Iprinisinta ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga pedicab drivers ng Balut Pedicab Operators and Drivers Association (PODA) Rodriguez Line ang mga bagong pedicab na maaaring gamitin sa ilalim ng “new normal” dulot ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ito ni Domagoso sa isang konsultasyon kasama ang mga pedicab drivers at ang Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB.

Ayon kay Mayor Isko, piso lang ang magiging downpayment ng mga pedicab driver at tinatayang P188 kada araw lang ang huhulugan nila sa loob ng tatlo hanggang limang taon.


Aniya, ang “corona edition” na pedicab ay gawa ng Italian motor vehicle manufacturer Piaggio at mayroong angkop na physical distancing dividers na tumatakbo gamit ang gas o diesel.

Sa kasalukuyan, plano ng pamahalaang lungsod na makakuha ng paunang 2,000 modernong pedicab para sa mga rehistradong PODA sa Maynila.

Kabilang din dito ang kasamang cellphone unit ng bawat taxicycle na gagamitin sa pinag-aaralan ng lungsod na cashless payment system ng pagbabayad sa mga pedicabs.

Facebook Comments