Modernong poultry farm, hindi magiging kakompetensya ng mga backyard grower ayon kay PBBM

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga backyard grower ng baboy at manok na hindi nila magiging kakompentensya ang bago at modernong poultry farm sa Davao del Sur.

Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon ng world-class controlled climate Magnolia Poultry Farm sa bayan ng Hagonoy kaninang umaga, sinabi nitong hindi maapektuhan ang small producers dahil iba ang market ng magiging produkto ng poultry farm.

Karaniwan kasing processed food, dressed o frozen ang produktong lalabas dito.


Aasahan namang makapagpo-produce ang poultry farm ng 80 million chickens kada taon na siguardong sasagot sa tumataas na demand ng poultry products.

Una nang inihayag ng palasyo na 12 poultry mega farm ang itatayo ng San Miguel Corporation sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments