MODERNONG SEAFOOD HUB, ITATAYO SA MAGSAYSAY FISH MARKET NG DAGUPAN CITY

Kasado na ang pagpapatayo ng modernong seafood stalls sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City, matapos aprubahan ang kaukulang ordinansa sa naganap na special session ng Sangguniang Panlungsod.

Ayon sa ordinansa, ang operasyon ng mga stalls ay idadaan sa buwanang pagbabayad ng renta, bilang pagbabago mula sa nakasanayang araw-araw na pagbabayad ng ticket.

Ang mga modernong stalls ay itatayo upang bigyang mas maayos na lugar ang mga matagal nang nagtitinda sa pamilihan at ma-accommodate ang tumataas na bilang ng mga seafood vendors sa lungsod.

Layunin ng proyekto na higit pang paigtingin ang reputasyon ng Dagupan bilang Bangus at Seafood Capital ng Pilipinas at palakasin ang sektor ng turismo at kalakalan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments