
Isinusulong sa mga magsasaka ng mais sa Bayambang ang paggamit ng modernong teknolohiya sa pagtatanim upang mapataas ang produksyon at maiwasan ang pinsalang dulot ng mga peste tulad ng fall armyworm.
Bilang bahagi ng naturang inisyatiba, sumailalim sa pagsasanay ang 35 magsasaka hinggil sa biological control agents, integrated pest management, at agro-ecosystem analysis na pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Regional Crop Protection Center, at Agricultural Training Institute–Regional Training Center I.
Ibinahagi rin ang kahalagahan at benepisyo ng crop insurance na makakatulong sa mga magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, layon ng programa na mapalakas ang kaalaman ng mga magsasaka sa paggamit ng modernong pamamaraan sa agrikultura upang maging mas produktibo at mapanatili ang mataas na ani sa bayan.









