Modified ECQ, iminungkahi ni Senator Lacson

Iminungkahi ni Senator Panfilo Lacson ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Qurantine (ECQ) upang ma-balanse ang isyu ng pampublikong kalusugan sa epekto sa ekonomiya ng bansa.

Ang suhestiyon ni Lacson ay sa harap ng kaliwa’t kanang konsultasyon na isinasagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papalawigin pa ang ECQ na magtatapos sa April 30.

Pero ayon kay Lacson, dapat munang magkaroon ng economic risk assessment and action plan para tingnan ang epekto ng ecq partikular sa micro, small and medium enterprises kung saan nabibilang ang 70% sa workforce ng bansa bukod sa 30% nitong kontribusyon sa pangkalahatang ekonomiya.


Sinabi ni Lacson na dapat din ay tugunan ang kulang-kulang na naisasa ilalim sa COVID-19 test kaya hindi natin alam kung ano ang totoong antas o bilang ng COVID infection sa buong bansa.

Diin ni Lacson, mahalaga ang buhay at ang kalusugan ng publiko pero dapat paghandaan natin ngayon pa lang ang post COVID-19 scenario upang hindi tayo maghabol pag nandiyan na ang recession.

ipinaliwanag ni lacson, na kung hindi ito magagawa ay malamang sa gutom naman mamatay ang marami nating kababayan kasabay ng pag-usbong ng iba pang social problem at peace and order issue.

Facebook Comments