Modified ECQ mananatili sa buong Metro Manila, Laguna, at Cebu City; habang ilang lalawigan, isinailalim sa GCQ

Inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila, Laguna, at Cebu City sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, magiging epektibo ito mula Mayo 16, hanggang Mayo 31, 2020,

Ibig sabihin, walang magbabago sa ipinatutupad na patakaran sa ilalim ng ECQ, pero may mga iilang industriya na ang bubuksan at mga transportasyon na papayagan.


Aniya, tanging 50 percent lamang ng workforce sa mga industriyang magbubukas ang papayagan kung saan paplantsyahin pa ang guidelines para dito, maging sa transportasyon na bubuksan para sa mga empleyadong papasok sa kanilang trabaho.

Binibigyang din ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na panatilihin ang ECQ sa mga nasasakupan nilang barangay kung sa tingin nila ay kinakailangan.

Ang mga rehiyon naman na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) matapos ang May 15 ay ikinonsiderang isailalim sa moderate risk.
Kabilang rito ang:

• Region 2,
• Region 3,
• Region 4-A maliban sa Laguna,
• CAR,
• Region 7 maliban sa Cebu,
• Region 9,
• Region 10 at
• Region 13 (CARAGA)

Sa ilalim ng GCQ, magkakaroon na ng limitadong movement ng mga mangagagawa at transportasyon.

Papayagan na din ang operasyon ng government offices at mga industriya hanggang sa 75 percent ng kanilang workforce.

Magkakaroon naman ng flexible learning arrangements para sa mga mag-aaral.

Mayroon namang mga lugar rin sa bansa ang isinailalim sa community quarantine.

Kabilang sa mga lalawigan na ito na itinuturing nang low risk o mababa ang banta sa COVID-19:

• Region 1
• Region 4-B
• Region 5
• Region 6
• Region 8
• Region 10
• Region 12
• BARMM

Facebook Comments