Posibleng ibaba sa Modified Enhanced Community Quarantine ang buong Metro Manila pagkatapos ng May 15.
Ayon kay National Task Force (NTF) on COVID-19 Chief Implementer Secreatary Carlito Galvez, nagkaroon sila ng pag-uusap ni pangulong rodrgio duterte kung anong mangyayari pagkatapos ng ECQ.
Sa oras aniya na ma-trace at ma-isolate ang mga possible carrier ng COVID-19 at matuloy ang massive testing, dito na maaaring alisin sa modified ECQ ang Metro Manila.
Kasabay nito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago na hinihintay na lang nila ang utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa ilalabas na guidelines sakaling ibaba sa GCQ ang Metro Manila.
Handa na rin aniya silang patawan ng parusa ang sinumang susuway sa guidelines lalo na sa sitwasyon sa kalsada.