Modified General Community Quarantine sa Ifugao Province, Ipatutupad

Cauayan City, Isabela- Ipinag-utos ni Ifugao Governor Jerry Dalipog ang pagsasailalim sa Modified General Community Quarantine (MECQ) sa buong probinsya hanggang March 1-31, 2021.

Ito ay base sa nilagdaan nitong Executive Order no.9 series of 2021.

Nakasaad sa kautusan na kinakailangan pa rin na manduhan ng mga kapulisan ang lahat ng provincial entry points at mga strategic municipal boundaries para sa istriktong implementasyon.


Bukod dito, hindi na kakailanganin pa ng mga biyahero ang pagsusuri maliban lang sa mga magmumula sa labas ng lalawigan base sa naunang deklarasyon ng National IATF na ‘hotspot area’ kung saan kailangan na magpresenta ng negative result ng RT-PCR test sa pagpasok sa probinsya.

Ang mga nabakunahan na biyahero na magpapakita ng valid ID at iba pang patunay ay hindi na kakailanganin pang sumailalim sa RT-PCR test.

Kailangan din umano na makipag-ugnayan ang mga biyahero sa kanilang mga nasasakupang bayan sakaling makaranas ng ilang sintomas ng COVID-19 maliban nalang kung walang mararamdaman na anumang sintomas ng virus.

Samantala, hindi na ire-require ang Travel Authority at Health Certificate subalit kailangan lang punan ng mga impormasyon ng isang indibidwal ang Health Declaration Form na ipapakita bago makapasok sa mga quarantine checkpoints maging sa mga municipal boundaries kung kakailanganin.

Para naman sa mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) mula sa national government agencies ay kailangang magpakita ng identification card, travel order, travel itinerary at kailangang maipasa ang visual at common symptom-screening sa quarantine checkpoints.

Inatasan rin ng gobernador ang lahat ng alkalde na dapat maging handa ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para sa mahigpit na pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments