Cauayan City, Isabela – Isinusulong ngayon ng Pag-Ibig Cauayan Branch ang Modified Pag-Ibig 2 o MP2 para sa lahat ng Pag-Ibig Members.
Ayon kay Ginoong Ceriaco Vasquez, Officer in Charge ng Pag-ibig Cauayan Branch na isa itong boluntaryong programa ng pag-iimpok na nagbibigay ng pagkakataon sa mga miyembro ng Pag-Ibig na kumita ng mas mataas na dibidendo mula sa kanilang inimpok sa loob lamang ng limang taon.
Bukas umano ito sa lahat ng miyembro na kasali sa Pag-Ibig o regular membership na kumita ng mahigit limang libo kada buwan at kasama sa programang ito ang mga OFW-member ng Pag-Ibig.
Ipinaliwanang pa ni ginoong Vasquez na maghuhulog lamang ng limang daang piso kada buwan o mas mataas dito depende kung nais na mas mataas na impok.
Ipinagmalaki pa ni Vasquez na mas malaki ang dibidendong ibinibigay sa ilalim ng programang MP2 na 7.43% kumpara sa regular membership program o Pag-Ibig1 na 5.5%.