Sumailalim si San Juan City Mayor Francis Zamora sa mandatory 14-days quarantine nang makasalamuha nito ang kaniyang tauhan na nagpositibo sa COVID-19 na kaluna ay pumanaw din.
Ayon kay Mayor Zamora, na nito lamang Abril a 8, ay lumabas ang resulta ng test sa kaniya mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at lumabas na nagnegatibo ito subalit kailangan pa ring sumailalim.
Kaninang umaga, pinangunahan ni Zamora ang pagbubukas ng walong modular lightweight COVID-19 container vans sa harap ng San Juan Medical Center.
Ayon kay Zamora, magsisilbing Staging Area para sa mga pasyenteng naka pila para ma Admit sa San Juan Medical Center.
May nakalaan ding hiwalay na Container vans para sa mga bagong panganak upang hindi sila mahawaan ng anumang sakit sa loob mismo ng ospital.
Matatandaan na may mga pasyenteng apektado ng COVID tulad ng mga nagpositibo gayundin iyong mga PUI’s sa loob ng ospital.
Ang mga container van ay donasyon ng EEI Corporation na Affiliate naman ng Yuchengco group of companies.