Module materials para sa blended learning, ide-deliver na sa mga lugar na hindi sakop ng MECQ

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na handa na ang module materials na gagamitin sa blended learning sa mga lugar na walang access sa internet.

Katunayan, ayon kay DepEd spokesperson Nepomuceno Malaluan, maaari na itong i-deliver sa mga lugar na hindi nakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Maaari na rin aniyang magsagawa ng orientation para masigurong handa na ang lahat pagsapit ng pasukan sa October 5, 2020.


Tiniyak naman ng DepEd na dumaan sa quality control ang mga module.

Kasunod na rin ito ng nag-viral na maling grammar sa English lesson sa isinagawang test broadcast ng DepEd TV noong August 11, 2020.

Facebook Comments