Module na nagpapakita ng poor depiction sa mga magsasaka, sinisilip na ng DepEd

167

Sinisilip na ng Department of Education (DepEd) ang learning material na naglalarawan sa isang mahirap na pamilya ng mga magsasaka.

Nabatid na nag-viral online ang litrato ng isang pamilya na nilalarawan bilang “The Farmer” at ipinapakita na ang mga miyembro ay nakasuot ng punit-punit na damit.


Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, inatasan na nila ang concerned units na beripikahin ang nasabing learning module at alamin kung saan ito nanggaling.

Maraming beses nang napupuna ang ilang modules na naglalaman ng errors na naiispatan ng mga netizens mula nang ipatupad ang distance learning set-up.

Nanawagan ang DepEd sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila kapag may nakitang errors sa mga learning modules.

Facebook Comments