Quezon City – Timbog ang dalawang tao matapos magpakalat ng pekeng pera sa Bagong Silangan, Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mary Villanormosa, 45-anyos at Fredirick Maro.
Ayon sa awtoridad, bumili ng langis ang dalawang suspek sa halagang P200 sa isang motor shop.
Nagbayad ang mga ito ng P1,000 pero napag-alaman na peke ang pera gamit ang money detector.
Sabi ni Villanormasa, galing Recto ang mga pekeng pera kung saan binibili niya sa halagang P300 ang pekeng P1,000 habang P150 naman ang pekeng P500.
Sa ngayon detention ng QCPD Station 6 ang mga suspek na nahaharap sa paglabag sa Article 168 ng revised Penal Code of the Philippines o illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credit.
Samantala, nagpaalala naman ng awtoridad sa publiko na kilatising mabuti ang perang natatanggap lalo at pumasok na ang ber months.
Ilan sa mga paraan para matukoy kung peke ang pera ay ang paghipo sa tekstura ng papel nito.
Magaspang ang orihinal na pera habang madulas ang pekeng pera.
Kailangang may watermark ang kanang bahagi ng mga papel ng pera at dapat na may naaaninag na security thread.