Manila, Philippines – Kalaboso ang apat na miyembro ng tinaguriang “jumper boys” na nagnanakaw ng mga laman ng truck sa Tondo, Maynila.
Nasamsam mula sa mga suspek ang P200,000 halaga ng sigarilyo na ninakaw nila sa likod ng isang truck na bumaybay sa kahabaan ng Road 10 sa Tondo.
Ayon kay Don Bosco Police Community Precinct Commander Senior Inspector Ariel Ilagan, modus ng grupo na magpanggap na nanlilimos sa driver ng mga dumaraang truck bago ito tutukan ng sumpak at pagnakawan.
Aminado naman ang lider ng grupo na si Giovanni Aulestia, 20-anyos, sa nagawang krimen.
Patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pang jumper boys na nakatakas.
Facebook Comments