MODUS? Alok na libreng pagpapakilay, may hidden motive

1060
Courtesy of Jayzell Candela II on Facebook

Galit na ibinahagi ng isang netizen sa Facebook ang karanasan nito sa mga namimilit umanong mag-kilay sa isang mall sa Divisoria.

Kuwento ng uploader na si Jayzelll Candela, palabas na siya kasama ang kanyang kapatid sa mall nang biglang may humila sa kaniya at nag-alok na kikilayan ito nang libre.


Nang tumanggi, kapatid naman daw niya ang hinatak, sapilitang pinaupo at agad inahitan ang kilay, dahilan para hindi na makatanggi pa.

Ang inakalang libreng pakilay, may nakatagong bayad pala. Ayon sa kapatid ng uploader, nagbanta raw ang babae na hindi tatapusin ang kabilang kilay kung hindi bibilhin ang ibinebenta nitong item na nagkakahalagang 300.

Bukod sa dismayado sa karanasan ang magkapatid, hindi rin nila ikinatuwa ang resulta ng pagkikilay ng babae.

Mayroon namang maga nagkomento na nagpatotoo sa storya at nagsabing naranasan din nila ito.

Facebook Comments