MODUS NA PAGKUHA NG LITRATO NG NATIONAL IDS KAPALIT ANG PERA SA MGA BARANGAY SA MANAOAG, ISINANGGUNI SA LGU

Sumangguni na sa lokal na pamahalaan ng Manaoag ang ilang mga concerned residents sa nasabing bayan ukol sa umano’y mga taong nag-iikot sa barangay upang kuhanan ng litrato ang kanilang National IDs.

Ayon sa iniulat sa LGU, ang modus umano ay kunin ang National IDs upang iverify, at bilang kapalit, namimigay daw umano ang mga ito ng P150 hanggang P500.

Nilinaw ng LGU Manaoag na walang inotorisang kawani sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Hinikayat ang mga residente na Sakaling makaranas ng kaparehong insidente, ay agad itong ipagbigay-alam sa kinauukulan.

Pinaalalahanan ang publiko na huwag basta basta magbigay o hayaang makuha ang mga personal na impormasyon dahil maaari itong gamitin sa panlilinlang, identity theft at iba pang uri ng masasamang gawain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments