MODUS | Nagpakilalang ‘kaanak’ ni Sec. Cayetano, huli sa pangingikil

Manila, Philippines – Timbog ang isang babaeng nagpakilalang pamangkin ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano matapos mangikil sa mga travel agency na nais makakuha ng passport appointment slots sa ahensiya.

Arestado sa entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Kaye Cayetano.

Ayon kay Chief Inspector Rosalindo Ibay, hepe ng MPD-DPIOU, pinangakuan ni Cayetano ang mga may-ari ng isang recruitment agency na madaling makakakuha ng slots para sa passport application kapalit ng higit P20,000.


Nakapagbayad na sila ng mahigit P20,000 pero makalipas ang halos isang buwan ay wala pa ring ibinibigay na slot si Cayetano.

Bukod pa sa kanila, nahingan pa ni Cayetano ng P250,000 ang isang negosyante.

Sabi naman ni Secretary Cayetano, hindi niya kilala ang suspek.

Sinampahan na ng robbery extortion, falsification of public documents, estafa at qualified theft ang suspek.

Facebook Comments