MODUS | OFW nabiktima ng notoryus na kawatan sa NAIA

Nabiktima ng isang notoryus na magnanakaw sa NAIA ang isang OFW na kakarating pa lamang ng bansa.

Ayon sa biktimang si Germelie Martin naghihintay lamang siya ng kanyang connecting flight patungong Tuguegarao sa NAIA Terminal 3 noong November 13 nang lapitan at kaibiganin sya ng suspek na si Juvy Macalalad Zamora.

Di nagtagal nagkapalagayan ng loob ang 2 at nahikayat siya nitong ibigay ang pinaghirapang P300,000 mga alahas mga importanteng gamit tulad ng cellphone at passport sa suspek.


Saad ng biktima mabilis ang pangyayari at hindi nito alam kung paano tila siya na hypnotize ng suspek.

Agad nagpasaklolo si Martin sa airport police at sa pamamagitan ng gallery o mga larawan ng kawatan sa paliparan natukoy nito si Zamora.

Nabatid na ang suspek ay talamak sa pambibiktima ng mga bagong dating na OFW.

Facebook Comments