MODUS | PNP, nagbabala sa panibagong ‘tokhang scam’

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa kumakalat na audio recording na nagbibigay babala sa mga may-ari ng cellphone na sila ay sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP spokesperson Benigno Durana Jr., hindi sa kanila galing ang tawag na nag-uutos sa publiko na i-dial ang number 1 para marinig muli ang mensahe at number nine upang ilipat ang tawag sa opisyal ng pulisya.

Aniya, modus ang ganitong style na ang pakay ay makapanghuthot ng pera.


Giit ni Durana, huwag sumunod sa nasabing pipinduting numero dahil aatasan ka nito na magdeposito ng pera sa isang money transfer service.

Pinayuhan rin ang publiko na ilista ang mga numerong tumatawag sa kanila na may ganitong modus at ipagbigay alam ito sa PNP Anti-Cyber Crime division sa teleponong 414-2199.

Facebook Comments