Inaresto naman ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) cybercrime division ang isang lalaki na nagkunwaring isang customer service agent ng isang bangko.
Ayon kay Vic Lorenzo, hepe ng NBI cybercrime division, tinatawag na “phishing” ang modus ng suspek na si Kli Ban Agarrado kung saan nagpapanggap ang kawatan bilang isang lehitimong bangko o institusyon tsaka kukuhanin ang impormasyon ng biktima.
Aniya, umabot sa P950,000 ang nakuha niyang pera sa 15 mga biktima.
Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang suspek pero inamin niyang dati siyang nagtrabaho sa isang Business Process Outsourcing (BPO) company.
Nahaharap si Agarrado sa kasong paglabag sa cybercrime prevention law at access devices regulation act.
Facebook Comments